Nakakasawa kapag nagkakamali ka. Pakiramdam ko, bahagi na yun ng sarili ko na hindi matanggal-tanggal. Parang sumpa o imbisibol na balat sa puwet. Mas nag-iingat ako. Mas prone to mistakes. Nakakaiyak din talaga. Kaso wala naman akong magawa. Hindi ko naman ginusto. Pero sobrang gasgsas na sa akin yung linyang hindi ko naman sinasadya kahit na totoo, oo naman, bakit ko sasadyain magkamali?
Mula sa pinakamalaking pagkakamali hanggang sa
pinakamaliliit. Pero alam mo, alam ko naman na talaga yun. That I am bound to
make a mistake. Kasi kahit dati pa naman, alam kong failure na ako. Swerte ko
nga na may mga natyatyaga sa akin at nagtitiwala pa rin. Pero sila rin yung mga
taong binigo ko. Higit sa lahat, paulit-ulit kong binibigo ang sarili ko.
Ang iniisip ko na nga lang talaga sa araw-araw bago matulog,
sana wala akong gawing mali bukas. Kapag wala, shet, sobrang saya ko.
Accomplishment yun. Kapag meron, naiinis ako kasi bakit napalamapas ko yun.
Halimbawa, noong college ako, sanay na sanay na akong
makatanggap ng singko o ng INC. One time, nakatanggap ako ng malinis na summary
of grades. Nagtaka talaga ako. Parang may mali. Di ba dapat may nagawa na naman
akong mali?
Kapag enrollment namin sa college, imposibleng wala akong
makakalimutang dalhin. Regi card, ID. Parang tanga lang talaga. Tapos uuwi na
naman ako. Papagurin ko ang sarili ko.
Sa lahat ng pinasukan kong school, may record ako na
pinatawag ako sa office. Maling computation sa grades, late sa submissions,
nawawalang documents at kung ano-ano pa. Ironic. Ako kasi yung tao na ayokong
napapansin sa work place. Low profile lang ako eh. Pero dahil sa mga
pagkakamaling yan, malaki man o maliit. Napapansin talaga ako.
Sino bang guston nagkakamali? There must be a pattern. Alam
mo yun. Kapag nagiging confident ako na maayos ang takbo ng lahat, doon
humihina yung pag-check ko sa mga maaari kong mamali. Ayun. Oo nga. Kapag
nagiging kumportable ako masyado. Doon ako mas nagkakamali talaga. Kasi kapag
binusisi ko talaga ang isang bagay o gawain. Okay naman eh.
Lagi akong back to square one mga kaibigan. Yung iba
nakausad na rin. Samantalang ako, one step forward, ten steps backward. Tanginang yan. Hindi na
tuloy ako maniwala sa mga quote o kuwento na kanya-kanyang panahon lang yan sa
buhay. Na hindi naman karera ang buhay. Pero putangina, kahit na hindi karera
ito, gusto ko namang sumabay kahit papaano.
In short, ayoko nang magkamali nang paulit-ulit. Please
lang. May gamot sa pagiging tanga?
Naalala ko tuloy yung eksena bago ako gumraduate. Nasa tren
ako nun. Magdidilim na. Hinahabol ko ang opisina ng PUP Taguig. Galing pa akong
PUP Sta. Mesa. Hindi kasi ako makakasabay sa Octoberian dahil sa isang summer
grade ko. Pinagpipilitan kasi ng mga tao sa registrar na ang nakalagay daw sa
grade ko sa Sosyolohiya, Lipunan at Pagpapamilya ay 2.15. Sabi ko, 2.75 po yan.
Eh kung seven daw bakit tuwid? Sabi ko, wala naman pong grade na 2.15 di ba? So
malamang, 2.75 yan. Puta ayaw maniwala. Hindi kumbinsido. Bumalik daw ako sa
prof ko sa main. Papirmahan at ipa-korek yung grade.
Tangina may magagawa ba ako? Umabsent ako sa trabaho ko nun.
Tutor sa korean students. Malaman-laman kong wala daw yung prof ko. Nagbakasyon
daw. Sabi ko, kailangan ko talaga siya para maihabol ko yung grades ko kasi nga
deadline na kasi ang tagal ko nang sinubmit yun sa office, ngayon lang sinabi
sa akin. Kung kailan deadline na di ba?
Dinaan ko naman sila sa diplomasya at maayos na
pakikipag-usap, sa madaling salita, nagpaawa ako. Hehe. Kesyo, ako lang ang
inaasahan sa bahay. Na request ng nanay kong makita man lang akong gumraduate.
Mga ganun.
So hinarap nila ako sa vice president for academics affairs.
Nakalimutan ko na kung anong pangalan niya kasi hindi naman talaga ako
taga-Sta. Mesa. Tinanong niya kung ano ba ang problema ko. Kinuwento ko.
Pinakita ko yung grade ko na 2.75 pero 2.15 daw sabi sa registrar. Hinarap niya
ako , mata sa mata saka tinanong.
“Ganito na lang. May natutuhan ka ba sa klase niya?”
“Yes mam.” Sagot ko. Pero hindi ko rin sure. Hehe.
“Ma-a-apply mo yan sa buhay mo?”
“Sana po.”
Tapos kinuha niya yung papel ko.
“Kahit ano namang grade ilagay ng teacher mo dito kung may
natutuhan ka sa klase niya kahit kaunti lang, ikaw pa rin ang nakalamang. Anong
gusto mong grade? Palitan ko ito ng uno?”
Sabi ko, “Hindi po mam, yung tama lang sana.”
Pinirmahan niya yung certification saka binalik sa akin yung
papel.
“Babalik ka pa sa Taguig niyan? Pasensya ka na. Isang guhit
lang sa number yung mali, muntik ka pa di gumraduate.” Sabi niya bago ako
lumabas.
Sa tren pabalik, paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko
kung bakit ako nahihirapan ngayon. Kung bakit hindi ko inayos kaya nag-summer
pa ako. At kahit na naghahabol ako sa oras, hindi naman kami parehas ng
schedule ng takbo ng tren. Hindi ko yun mapapabilis ayon sa gusto ko.
Kailan kaya ako makakababa sa tren na yun?
No comments:
Post a Comment